Uri ng Panitikan: Epiko. Gramatika/ Retorika: Uri ng paghahambing

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Katangian ng Epiko

Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:
  • Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
  • Mga inuulit na salita o parirala
  • Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
  • Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
  • Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Gawain 1:



Ano ang Paghahambing?

Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari. Sa English: comparison.
Ang pahiwatig na paghahambing ay metaphor — isang uri ng panghahambing ng dalawang bagay na magkaiba, ngunit tinutukoy kung ano ang katangiang pinag-uusapan. Tinatawag din itong pagwawangis sa Tagalog.

Dalawang Uri ng Paghahambing

1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD

Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na katangian ng isang bagay o anuman. Ginagamitan ng Panlaping: KA,MAGKA,GA,SING,KASING,MAGSING,MAGKASING,at mga salitang PARIS,TULAD,HAWIG/KAHAWIG,MISTULA,MUKHA/KAMUKHA.
Mga Halimbawa:
Magkasing-haba ang buhok nina Ana at Elena.
Magkasing-tangkad kami ni Miguel.

2. PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

Ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman.
 Mga uri:
           1.Hambingang Pasahol
             - paghahambing negatibo
              -LALO,DI-GAANO,DI-GASINO, AT DI-TOTOO
   
                 Hal: Lalo siyang tumangkad ng uminom siya ng vitamin kaysa sa nung
                   hindi pa siya umiinom.
    
          2. Hambingang Palamang 
               -Positibo ang paraan ng paghahambing
              -LALO,HIGIT,MAS,KAYSA,KAY,LABIS,DI-HAMAK
               
                 Hal: Di-hamak na matangkad si Lea kaysa kay Nico
      
         3. Modernisasyon/ katamtaman
                -inuulit ang ma
               -medyo
               -kahan
Mga Halimbawa:
Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Pilar.
Mas matangkad ka sa kuya ko.

Gawain bilang 2:


Pangkatang Gawain

Paghambingin ang dalawang uri ng panitikan (Epiko at Parabula) gamit ang paghahambing na magkatulad at di- magkatulad. 

Pagsasanay


Paghambingin ang dalawang Pangulo na si dating Pangulong Benigno Aquino III at Pangulong Rodrigo Duterte. Tingnan at balikan ang paraan ng kanilang pamamalakad, mga natatanging ambag sa bansang Pilipinas at ang naging kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Repleksyon:

Mga Komento