Mga Post

Uri ng Panitikan: Epiko. Gramatika/ Retorika: Uri ng paghahambing

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko. Ito ay i sang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Katangian ng Epiko Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod: Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao Mga inuulit na salita o parirala Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.) Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kan...